Saturday, September 08, 2012

Dahil Ako ay Isang Blogger Lamang (Because I'm Just a Blogger)


 (A Poem for Senator Tito Sotto)

I've already posted this in my other blog...my apologies for the double post. But I really want to spread my sentiments about this sanctimonious arrogant senator.
 
This is a poem I've written as an open letter to Philippine Senator Tito Sotto, who belittled bloggers in general. As a blogger/writer, I feel strongly about plagiarism. More than that, I feel strongly about denigrating any occupation. It doesn't really matter if it is a blogger, a published or self-published writer... At least, we are writing the piece ourselves. 


But this self-righteous arrogant senator, when discovered that his staff copy-pasted paragraphs from several bloggers for his speech, still had the nerve to say,
“Bakit ko iku-quote yung blogger? Blogger lang yun!” (Why should I quote the blogger? She’s just a blogger!)

So here’s a piece of my mind, as a blogger… Pardon me, I had to write it in my mother tongue because the issue is very close to my heart.

Dahil Ako ay Isang Blogger Lamang
Tula ni SheBlogger
08 September 2012
16.30

Ako ay isang blogger
Nagpo-post, nagsi-share
Ng aking nababasa
Napakikinggan, nakikita
Sa naising makapagbahagi
Ng mga bagay na katangi-tangi
Mga impormasyon at balita
Na interesante sa mambabasa

Kung minsan nangongopya
Sa mga akda ng iba
Nang may kaukulang pagbanggit
Upang di masabing nang-umit
Ng opinyon o ideya
Na galing sa iba
Isang pagbibigay respeto
Sa kinauukulang tao

Kung minsan rin ay gumagawa
Ng aking sariling katha
Tulad nitong aking tula
Na sa aking puso nagmula
Upang aking maiparating
Ang sariling saloobin
Ngunit ako’y blogger lamang
Di marapat seryosohin

Ano ang iyong sinabi,
Nang ikaw ay mahuli?
“Bakit ko iku-quote yun…?
Blogger lang yon!”
Oo nga naman, blogger lang yon
Mas mahalaga ang iyong propesyon
Mas may dignidad
Mas may integridad

Ngunit sa iyong sinabi
Marami kang nakanti
Kaming mga bloggers
Na magaling na researchers
Kaya iyong ipagpaumanhin
Kung aming hahalukayin
Lahat ng inyong sasabihin
Kung kinopya, aalamin!

Nauunawan ko
Na ikaw ay abalang tao
Kaya ika’y may tagagawa
Ng talumpating binabasa
Ngunit tinanong mo man lang ba
Kung saan pinagkukuha
Ng iyong chief of staff
Ang kanyang mga sinulat?

O wala na talagang oras
Dahil meron ka pang palabas
Tuwing katanghalian
Nakikisalo sa hapag kainan
Di mo man lang ba naisip?
Na ikaw ang sasambit
Ng mga salitang hiram
Kung saan galing, di mo alam?

At ngayong nabunyag na
Na lahat ay pawang kopya
Sa iba’t-ibang bloggers kinuha
Ikaw itong mayabang pa?
Ni hindi marunong mangimi
Paumanhin di man lang hiningi
Bagkus ay kinutya pa
Ang mismong ginaya

Blogger lang yon
Walang kwentang opinyon
Blogger na katulad ko
Hindi dapat sineseryoso
At itong aking tula
Ay walang halaga
Ipagkibit-balikat na lang
Dahil ako ay isang blogger lamang




1 comment:

DiversityHuman said...

The arrogance and pride of Tito Sotto lives forever. That's how he was taught by his mom and he grew up with Wanbol University where cheating is not a crime.